Kinilala ng DOH XII ang Barangay Upper Katungal sa syudad ng Tacurong bilang Barangay with Best Sanitation Practices matapos ang regional evaluation noong ika-2 ng Setyembre, 2014.

Dahil dito, ang Upper Katungal ang national nominee ng Region XII para sa nasabing paligsahan.

Pinuri ng regional evaluation team ang pagtutulungan ng barangay at LGU sa pagsusulong ng mga polisiya at programang pangkalausugan.

Matatagpuan sa Barangay Upper Katungal ang Category 2 Sanitary Landfill ng Tacurong na may sukat na 6,000 square meters. Ayon sa mga opisyal, nagdulot ng negatibong impresyon sa barangay ang pagiging lokasyon nito ng sanitary landfill, o dump site.

Isang hamon din sa barangay ang pagpapabuti ng environmental health status ng mga sambahayan sa komunidad.

Dahil sa pagtutulungan ng barangay at city government, naipatayo at na-institutionalize ang Materials Recovery Facility sa City Sanitary Landfill. Nakatulong ito sa pagpapanatili ng maayos na operasyon ng nasabing pasilidad.

Dahil sa sama-samang pagsisikap, naitaas ang bilang ng kabahayang may access sa sanitary toilet facility mula sa 45% noong 2012 ay naging 96% ito sa taong 2013. Ngayong taon, 98% ng sambahayan sa Upper Katungal ang may access sa malinis na palikuran.  Mula 2012, higit 250 water-sealed toilets na ang naipagawa at naipamigay sa mga kabahayan. Ito ay pinondohan ng lokal na pamahalaan.

Naitaas din ang porsyento ng mga sambahayan may access sa complete basic sanitation facility mula sa 43% noong 2012 to 90% sa taong 2013. Ngayong 2014, 95% na ng samabahayan sa Upper Katungal ang may access sa complete basic sanitation facility.

Nananatili ding 100% ang sa mga sambahayan ang may access sa ligtas na tubig.

Nabuo din ang Expanded Barangay Health Board ng Upper Katungal. Dinagdagan din ang  Barangay Budget for Health and Sanitation upang maipagpatuloy pa ang mga hakbang tungo sa ika-uunlad at ikalulusog pa ng buong komunidad.

Nagpapatupad din ang barangay ng mga polisiya at programa para sa solid waste management, water waste management, food sanitation, at clean and green.

“Kung may-ara pa kami pwede mahimo, willing kami nga mag-improve pa,” ayon kay Punong Barangay Hernane Fermo.

Patuloy ang suporta ng LGU, sa pamamagitan ng Office for the City Health Services, sa mga programang pangkalusugan sa lahat ng barangay sa syudad. (LGU-Tacurong City Information)