Nakamit ng Tacurong City Responsive and Coordinated Emergency Search and Rescue o TRACER ang unang gantimpala sa Best Government Emergency Response Management Category sa 2015 Regional Gawad KALASAG.

Dahil dito, ang TRACER ang magsisilbing entry ng Region XII sa National Gawad KALASAG Search for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management sa nasabing kategorya. Nakuha din ng Tacurong Disaster Risk Reduction and Management Council ang ikalawang parangal sa Best DRRM-Component City Category.

TRACER DRRM

Ang TRACER  ay binuo ng pamahalaang lokal ng Syudad ng Tacurong sa pamamagitan ng City DRRM Council upang mapabuti ang kahandaan ng syudad at ng karatig nitong mga bayan sa mga kalamidad at sakuna.

Ang mga parangal ay ibinigay ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council XII at ng Office of Civil Defense sa ilalim ng Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan SAriling Galing ang Kaligtasan).

Noong 2013, nahirang na 3rd Best Volunteer Organization ang TRACER sa ilalim din ng Gawad KALASAG Awards-National Level.       Jezereel Louise Billano-Fabreag