Kinilala ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ang TRACER at Tacurong CDRRMC sa idinaos na awarding ceremony ng 2014 Regional Gawad KaLaSaG noong ika-15 ng Agosto sa General Santos City.

Kinilala bilang Best Government Emergency Response Management (Basic Search and Rescue) ang TRACER na syang search and rescue team ng LGU-Tacurong City.

Ang Tacurong CDRRMC naman ay nakakuha ng ikalawang pwesto bilang Best CDRRMC sa Component City Category.
Ang Gawad KaLaSaG ay isinasagawa upang kilalanin ang mga organisasyong at indibidwal na nagpakita ng kahusayan sa disaster risk reduction and management.

Nakatanggap din ng Certificate of Appreciation ang LGU Tacurong City mula sa RDRRMC bilang pasasalamat sa pagpapadala nito ng tulong sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013. Sa pangunguna ni Mayor Lina Montilla, nagbigay ng 800 libong pisong tulong pinansyal ang LGU Tacurong sa 12 bayan at dalawang syudad sa Iloilo at Capiz na tinamaan din ng bagyo.

Ang RDRRMC ay pinamumunuan ni OCD XII Director Minda Morante. (LGU-Tacurong City Information)