Naging pagkakataon ang pagdiriwang ng Business Week o Sulong Tacurong noong Agosto 3 upang mabigyan ng natatanging pagkilala ang mga outstanding business taxpayers na may pinakamalaking naiambag sa tax collection program ng lokal na pamahalaan.

Nangunguna sa sa top 12 taxpayers ang Tacurong Fit Mart. Pumapangalawa namang outstanding taxpayer ang Mercury Drug Corporation-Ledesma Branch. Nasa ikatlong pwesto naman ang Kimsan Plaza, nasa ikaapat na pwesto ang Mercury Drug Corporation Bonifacio-Branch at ikalima naman ang Mercury Drug Corporation-Alunan Highway Branch.

Samantala, nasa ikaanim na pwesto sa outstanding business taxpayer ang Marbel Universal Trading, Inc. o MUTI, nasa ikapitong pwesto ang St. Louis Hospital at nasa ikawalong pwesto naman ang Swana Mercantile.

Samantala, ang Talakudong Foods Corporation o Jollibee ay nasa ikasiyam na pwesto at nasa ikasampung pwesto naman ang One Network Bank. Nakuha naman ng Emcor, Inc. ang ikalabing-isang pwesto at nasa ikalabing-dalawang pwesto naman ang CA Betalac Construction And General Merchandise.

Ang outsanding business taxpayer award ay taun-taong iginagawad ng City Treasury Office sa mga negosyo sa lungsod na may matataas na gross sales at may matataas din na binabayaran sa business taxes.

Sinabi ni Mayor Lina Montilla na ang patuloy na paglago ng mga negosyo sa lungsod ay patunay sa patuloy na pagtitiwala ng mga negosyante sa business climate sa lokalidad. Ipinaabot din ng alkalde ang kanyang pasasalamat sa patuloy na pakikipangtulungan ng mga grupo ng mga negosyante sa mga programa ng lokal na pamahalaan. (LGU Tacurong City Information)