Share this on

Isang hakbang para patuloy na makatanggap ng Sponsored Operations ang mga kabataang kabilang sa Persons With Disabilities (PWDs) sa lungsod, ang Lokal na Pamahalaan ng Tacurong, sa papmamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWD), ay patuloy na nakikipagtulungan sa isang espeyalistang medikal na institusyon, ang Tebow Cure Hospital (TCH).

Pinasinayaan nitong Martes, Setyembre 7, 2021, nina Alkalde Lino O. Montilla at Bise Alklade Hon. Lalaine J. Montilla, ang isang Community Outreach ng nasabing hospital kung saan inilatag dito sa isang oryentasyon ang mga programa at mga serbisyo nito para sa mga PWDs.

Pinag-usapan din dito ang mga paraan nang pakikipag-ugnayan ng THC sa iba’t ibang ahensya para mapasailalim sa libreng operasyon ang mga bata.

Isa sa mga nabanggit na ahensyang kaakibat ng THC ay ang Smile Train na nagbibigay ng libreng Cleft Lip at Palate Surgeries.

Bukod dito, ibinahagi rin ng Director of Hospital and Field Work Operations, Rosemarie Baco, kung saan nagsimula ang THC at kung gaano na kalawak ang nagawa nitong pagtulong mula noon.

Dito sa lungsod, isa sa mga pagpapatunay ng kanilang kawanggawa ay ang kamakailan lang na pagpapaopera nitong nakaraang taon kay Ara Jane Ablan, isang batang PWD na ipinanganak na baliktad ang mga binti.

Dahil sa TBC, ang mga binti ni Ara ay naituwid at ngayon ay normal nang nararanasan ni Ara ang pagiging bata ang pagdadalaga.

Napapabilang sa Pantawid Pampamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Ara at ang kanyang pamilya at isa ito sa mga naging daan para matagpuan siya ng TCH at mapunan ang kanyang mga pangangailangan.

Ninanais ng TCH na pag-igtingin pa ang ugnayan nito sa mga lokal na pamahalaan, hindi lamang sa lungsod ng Tacurong pati na rin sa buong probinsiya at rehiyon, sa pamamagitan ng mga Local Social Welfare and Development Offices para na rin mas mapadali ang pagpapaabot nila ng kanilang serbisyo at programa sa mga PWDs.

Kasama rin sa mga dumalo sa pagtitipong ito ang CSWDO na inirepresenta ni Bb. Nancy Bawe kasama ang iilang kawani nito, mga Punong Barangay ng lungsod, Community-based Volunteers for Disabled Person (CBVRDP), Barangay Health Workers, at mga kawani mula sa City Health Office. (DECostas, LGU-TacInformation)