Open post

Tacurong City Security Force, pormal na nabuo matapos ang maigting na training

TACURONG CITY SECURITY FORCE, PORMAL NA NABUO MATAPOS ANG MAIGTING NA TRAINING

Makaraan ang mahigpit na pagsasanay, nagtapos na sa kanilang refresher course ang 150 mga bagong kasapi ng Tacurong City Security Force.
 
Idinaos ang kanilang graduation exercises nitong ikalawa ng Agosto sa Regional Evacuation Center sa Barangay Calean, Lungsod ng Tacurong.
 
Naging panauhing-pandangal sa pagtitipon si City Mayor Joseph George Lechonsito kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod na kinabibilangan nina Konsehal Ralen Tabusares-Bernardo, Konsehal Harvey Legas, Konsehal Geronimo Arzagon, Konsehal Carlos Borromeo Segura, Konsehal Bernardino Umadhay, Jr., Konsehal Geraldine Collado.
 
Dumalo din sina City Administrator Ramon Losañes, Executive Assistant lV Hernani Fermo, at Lt. Col. Joan Maganto ng Tacurong City PNP.
 
Ang pagsasanay ay isinagawa sa layong mas mapaigting pa ang pagbabantay sa mga lugar at gusaling-pampubliko sa lungsod ng Tacurong.
 
Nagsimula ang training noong Hulyo 28 kung saan unang sumalang sa dalawang araw na training ang 75 na trainees na sinundan naman ng second batch.
 
Karamihan sa mga trainees ay mga dating kasapi ng Explosive Ordnance Reconnaisance Agents o EORA ng lungsod.
 
Nanguna sa pagbuo mg training na ito si Pordencio Fermo na siyang nakatalagang pinuno ng Civil Security Unit ng lungsod.
 
Ang training na ito ay nabuo sa kagustuhan ni Mayor Joseph George Lechonsito na mas mapatatag pa ang seguridad sa lungsod.
 
Maliban sa mga local resource persons, may inimbita ding batikang tagapagsanay mula Metro Manila.(ASF, LGU Info)
Scroll to top