Open post

Exit conference, idinaos ng COA kasama ang ilang barangay sa lungsod ng Tacurong

EXIT CONFERENCE, IDINAOS NG COA KASAMA ANG ILANG BARANGAY SA LUNGSOD NG TACURONG

Nagdaos ang Commission on Audit (COA) ng Exit Conference kasama ang mga opisyales ng ilang barangay ng Lungsod ng Tacurong para maiparating sa kanila ang mga audit observations at recommendations hinggil sa barangay budgetary processes para sa taong 2019 hanggang 2021.
 
Idinaos ang aktibidad ngayong araw, Hulyo 28, sa Koronadal City.
 
Ito ay isang opurtunidad din para sa mga barangays na maipaliwanag ang kanilang panig hinggil sa obserbasyong nakita sa pag susuri ng COA.
 
Ang panig ng COA ay pinangunahan ni State Auditor lV Norraina Abubacar, CPA na siya ding OIC Supervising Auditor Local Government Audit Sector B.
 
Kasama niya sina State Auditor lll Merry Gen O. Cafino, CPA na siyang Audit Team Leader para sa Lungsod ng Tacurong, State Auditing Examiner ll Precious Ann Gambe, CPA (Audit Team Member), at State Auditing Examiner ll Jeany Rose Jauod, CPA (Audit Team Member).
 
Maliban sa ilang barangay na inimbitahan, inanyayahan din ang mga opisyales ng iba pang mga barangay para makinig at mag-obserba sa Exit Conference. Nasa pagtitipon din si Liga ng mga Barangay President Amoilo Ortizo.
 
Kasama sa mga dumalo ang mga pinuno ng Sangguniang Kaabataan Federation ng 20 barangay ng lungsod sa pangunguna ni SK Federation President Ma. Cristina Duadua.
 
Ang exit conference ay dinaluhan din nina Mayor Joseph George Lechonsito, Konsehal Nestor Casador, City Accountant Orlando Edica at City Budget Officer Imelda Pamplona.
 
Sa naturang exit conference, binigyang-diin ng COA officials na bilang enabling partner, nakahanda silang magturo at tumulong sa mga barangay para mag-interpret sa mga umiiral na batas at regulasyon at kung paano ang wastong application ng mga batas na ito.
 
Binigyang-diin din ng ahensiya na sa lahat ng panahon, kailangang itaguyod ng lahat ng lingkod-bayan ang pagpapahalaga sa ‘good governance and judicious allocation of government resources’. (ASF, LGU Information)
Scroll to top