Open post

12th Tacurong Business Week nagbukas na

12TH TACURONG BUSINESS WEEK NAGBUKAS NA

Pormal nang binuksan ngayong araw, August 1, ang 12th Tacurong Business Week na inorganisa ng Lokal na Pamahalaan ng Tacurong at Department of Trade and Industry (DTI) - Sultan Kudarat.
 
Sa isang pambungad na palatuntunan, ibinahagi ni Felisa A. Sinobago, Provincial Director ng DTI Sultan Kudarat, na ang Tacurong Business Week ay may layong linangin at suportahan ang mga MSME sa lungsod.
 
Ang MSME o Micro, Small, and Medium Enterprises ay siyang may pinakamalaking ambag sa pagsulong ng ekonomiya ng Tacurong at ng buong bansa. Sa pamamagitan ng selebrasyon na ito, sila ay bibigyan ng mga pagsasanay at workshop upang mas lalo pa nilang mapabuti at mapalago ang kanilang mga negosyo.
 
Kabilang sa mga nakatakdang pagsasanay at seminar ay ang Business Legitimacy Forum kung saan ang iba't -ibang kawani ng pamahalaan ay makikilahok upang bigyang kaalaman ang mga MSME kung paano maging legal ang kanilang mga negosyo at kung anu-ano ang mga benepisyo o tulong ang kanilang maaaring makuha kung sila ay isang ganap at lehitimong negosyo.
 
Sa tatlong araw na selebrasyon, simula August 1 hanggang August 3, mayroong seminar at training sa branding and logo design, food processing na ibibigay ng TESDA, packaging & label development, at bag making.
 
Bibigyan din ng training ang mga kababaihang nakabilanggo sa lungsod ng candle making at woven rag & pot holder making.
 
Magtatayo rin ng mga booth ang mga maliliit na producers sa lungsod upang maipakita ang kanilang mga produkto sa pamamagitan ng Producers' Fair at Youth Entrepreneurs' Fair.
 
Dumalo sa palatuntunan si City Mayor Joseph George L. Lechonsito, mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod, mga kasamahan sa DTI ni Provincial Director Sinobago, men and women in uniform, mga kinatawan ng mga MSME at agricultural organization sa lungsod, at mga empleyado ng lokal na pamahalaan.
 
Ang 12th Tacurong Business Week ay may tagline na SULONG Tacurong o Sustaining Unlimited Livelihood Opportunities by Nurturing Growth of MSMEs.
Scroll to top