Limang gold medals ang nakuha ng Tacurong City Taekwondo players sa ginanap na Tuna Festival Regional Inter-School Taekwondo tournament noong September 7 sa SM Trade Hall, General Santos City.

Sa sampung atleta na lumahok sa naturang kumpetisyon, lahat ay nagkamit ng medalya.

Ang gold medalists ay kinabibilangan nina Alfredo de Tomas ng Notre Dame of Tacurong College at apat na mag-aaral ng Tacurong Pilot Elementary School (TPES) na sina Vassily Purazo, Aaliyah Freno, Regine Marie Paba at Marcus Pujeda.

Silver medalists naman sina Joana Marie Espulgar ng St. John Learning Center at John Dexter dela Fuente ng TPES. Samantala, bronze medalists naman sina Christian mark Pascual (TPES), Luke Anujas (TPES) at Andrea Camille Origenes ng John Piaget Learning Center.

Kasama ng mga atleta sa delegasyon ng Tacurong City sina City Councilor Rodrigo Jamorabon bilang head of delegation at sina Charles Naecolt Saavedra at Yasir Indin bilang coaches.

Ang paglahok ng mga atleta sa naturang kumpetisyon ay pinondohan ng lokal na pamahalaan kung saan naglalaan din ito ng taunang pondo para sa iba pang sports programs ng lungsod. (LGU Tacurong City Information)