Isang grupo ng graduate students mula sa Notre Dame University sa Cotabato City ang nagsagawa ng training para sa mga punong barangay ng Tacurong City noong ika-14 ng Agosto 2014.

Ang nasabing training ay nilahukan ng mga punong barangay at barangay kagawad mula sa 20 barangay ng syudad.

Sa nasabing training, ibinihagi ng mga estudyanteng kumukuha ng Master in Public Administration ang kanilang mga nalalaman ukol sa Barangay Development Council at sa paghahanda ng Barangay Development Plan. Kasama din sa naturang gawain ang pagpapasinaya ng leadership training para sa mga lumahok.

Bukod dito, naibahagi din ng mga participants ang kanilang mga karanasan sa pamumuno sa barangay.
Dumalo sa nasabing gawain si Mayor Lina O. Montilla na nagpasalamat sa grupo sa mga kaalamang ibinahagi nito sa mga lider ng komunidad.

Sinuportahan din ni City DILG Officer Alberto Sero Jr. at ABC President Hernane Fermo ang nasabing training.
Ang grupo ay pinangunahan ni Prof. Adela Fiesta. (LGU-Tacurong City Information)