Ikinagagalak at lubos ang kasayahan ng lokal na pamahalaan ng Tacurong City sa pangunguna ni Hon. Lina O. Montilla sa naiuwing karangalan para sa buong lungsod at ng rehiyon dose ni Julius Aligonero, President ng Palm Arts SEA-K association sa pagkasungkit nito ng GAWAD PUNLA (3rd Place) sa kategoryang Gawang kamay sa Sulong Bayanihan 2019 na ginanap sa Seqouia Hotel, Quezon City noong June 17-20, 2019.


Ayon kay mayor Lina Montilla, ang pagkapanalo ni julius sa nasabing national competition ay isang patunay na ang pagpupursige na may layuning pamaunlad ang pamumuhay na may kaakibat na tiyaga, pagmamahal at takot sa diyos ang lahat ay magiging posible. Dagdag pa nya, ang lokal na pamahalaan ay magpapatuloy at hindi magsasawang gagawa ng mga programa at proyekto na ang layunin ay magkaroon ng mga sustainable livelihood ang bawat qualified na mga participants mula sa tacurong at pagpapatuloy ng livelihood program na kaagapay ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno tulad ng DTI, DSWD at iba pa.

Pinasalamatan din nya ang CSWDO sa pangunguna ni Eufemia Robles at ang livelihood focal na si Josephine Ubaldo, Gary Bañas at iba pang kawani ng pamahalaan. Binati rin nya ang pagiging nominee ng TMC association na nirepresenta ni Alfel Maxian Tubio sa kategoryang serbis.
Mula sa pagSIBOL hanggang sa pagSULONG.