Bumuhos ang mga regalo at suporta para sa 90 estudyante ng Special Education (SPED) ng Tacurong Pilot Elementary School sa pagdiriwang ng kanilang Fun Day, ika-10 ng Nobyembre 2015 sa Tacurong Children’s Park.

Nag-ambag ang ilang mga indibidwal at organisasyon ng mga laruan at kagamitan para games at activities ng mga bata. Kabilang dito sina Councilor Psyche Sucaldito, Vice Mayor Joseph George Lechonsito, Tacurong PNP Chief Junny Buenacosa, Rotaract Club of Talakudong, Rotary Club of Tacurong, at Lee Kay Kee.

Sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office ng LGU-Tacurong at sa pakikipagtulungan ng mga magulang at mga guro, iba’t bang mga developmental activities ang ginanap tulad ng hand washing, arts and crafts, bubble-making, at superhero acts.

Ang SPED ay sinusuportahan ng LGU Tacurong sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa mga kagamitang pangkaalaman at mga gawain tulad ng Fun Day. “Isa sa mga priority ng LGU at ni Mayor Lina Montilla ang suporta sa nag-iisang SPED school dito sa Tacurong. At saludo kami sa mga guro at mga magulang na hindi nagsasawang tutukan ang development ng mg bata,” wika ni Councilor Sucaldito.

Nagpasalamat naman ang si Gng. Rona Bred, Punong Guro ng TPES, sa LGU.

Ito na ang ika-anim na taon ng pagdiriwang ng TPES SPED ng Fun Day.