MGA KASAPI NG TACURONG CITY SECURITY FORCE, SUMAILALIM SA PAGSASANAY

Sa layong mas mapaigting pa ang pagbabantay sa mga lugar at gusaling-pampubliko sa lungsod ng Tacurong, isinailalim sa training at refresher course ang 150 na mga dati at bagong kasapi ng Tacurong City Security Force.
 
Nagsimula ang training kahapon, Hulyo 28, kung saan idinaos ito sa Regional Evacuation Center sa Barangay Calean.
 
Sa kabuuan, tatagal ang training sa loob ng limang araw kung saan hinati sa dalawang batches ang mga magsasanay.
 
Karamihan sa mga trainees ay mga dating kasapi ng Explosive Ordnance Reconnaisance Agents o EORA ng lungsod.
 
Dalawang araw tatagal ang training para sa unang grupo at dagdag na dalawang araw para sa ikalawa. Samantala, magsasama ang dalawang batches sa ikalimang araw para sa kanilang graduation.
 
Sa pagbubukas ng training kahapon, dinaluhan ito nina Konsehal Ralen Tabusares-Bernardo at Konsehal Carlos Borromeo Segura.
 
Nanguna sa pagbuo mg training na ito si Pordencio Fermo na siyang nakatalagang pinuno ng Civil Security Unit ng lungsod.
 
Ang training na ito ay nabuo sa kagustuhan ni Mayor Joseph George Lechonsito na mas mapatatag pa ang seguridad sa lungsod.
 
Maliban sa mga local resource persons, may inimbita ding batikang tagapagsanay mula Metro Manila.(ASF, LGU Info)
Scroll to top