Aktibo at masiglang cooperative sector, ito ang buod ng ulat ni City Cooperative Development Officer Nestor Leguro noong ika-24 ng Agosto sa Monday Flag Raising Ceremony ng LGU.

Ayon kay Leguro, umabot na sa 6,968 ang total membership sa 21 aktibong kooperatiba sa lungsod. Nakapagbibigay ng trabaho sa 303 manggagawa ang nasabing sektor.

Inilahad din ni Leguro na ang kabuuang assets ng mga kooperatiba ay umabot na sa mahigit P291 Milyon at ang kabuuang savings ay umabot na sa higit P62 Milyon. Ang kabuuang netong kita naman ay mahigit P26 Milyon. “Increasing ang trend ng mga datos na ito,” wika ni Leguro.

Upang patuloy na pag-ibayuhin ang pag-unlad ng mga kooperatiba, ang LGU ay nagpapatupad ng mga programa tulad ng livelihood assistance. Sa taong ito, P3.4 Milyon ang inilaan ng LGU sa nasabing programa. Nasa P700 Thousand na ang naipamahagi mula noong Enero 2015.

Ang LGU-Tacurong ang nag-iisang accredited cooperative training provider sa probinsya ng Sultan Kudarat. Mula noong Enero, nakapagsagawa na ito ng walong training seminarsna pinasinayaan ng Office for the Development of Cooperatibes at Cooperative Development Authority. Ang mga seminars na ito ay dinaluhan ng 336 cooperative officers mula sa iba’t ibang bayan.

Aktibo din ang cooperative sector sa mga gawaing pangkomunidad.

Sa ulat ni Leguro, nakapagtayo ng isang bamboo/vetiver grass nursery sektor noong ika-7 ng Pebrero sa tulong ng 106 cooperative members, Philhealth employees, 4Ps beneficiaries, at barangay officials. Ito ay bilang suporta sa riparian zone protection and re-vegetation program ng Allah Valley Landscape Development Alliance.

Nasundan din ito ng pagtatanim ng bamboo at vetiver grass sa riverbanks ng Barangay Rajah Muda at Barangay Baras noong ika-6 ng at ika-13 ng Marso.             Ito ay upang maiwasan ang matinding pagbaha sa mga nasabing flood-prone areas.

Ang City Council for the Development of Cooperatives ay naglaan din ng pondo para sa pagpapatayo ng bakod sa isang ektaryang lupain na gagawing Busog Lusog Talino (BLT) vegetable garden ng pamahalaang lokal. Ang mga aanihin sa nasabing hardin ay ibibigay sa mga paaralang benepisyaryo ng BLT school feeding program. (Jez Billano, LGU-Tacurong City)