Pormal nang nai-turn over o naibigay sa lokal na pamahalaan ngayong araw ang completed project na “opening of farm to market road” sa bahagi ng Barangay Rajah Muda.

Ang proyektong nagkakahalaga ng mahigit P2.21 million ay pinondohan ng lokal na pamahalaan at naglalayong maglagay ng panibagong farm to market road na pakikinabangan ng maraming mamamayan sa naturang barangay. Pinangunahan ni Mayor Roncal Montilla ang turn over ng proyekto mula sa supplier.

Kasama din sa aktibidad ang mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Lino Montilla.

Bilang kinatawan ng kanyang ka-baranggay, ipinaabot naman ni Punong Barangay Ma. Rhodora Pauya ang kanyang pasasalamat sa walang humpay na serbisyong dala sa kanila ng lokal na pamahalaan.