“Ang Sustainable Livelihood Program ay ipinapatupad natin kasama ang LGU upang makapamuhay ng masigla at tumaas ang kita ng bawat pamilya..from merely surviving to being self-sufficient.”

Ito ang pahayag ni SLP-Community Driven Enterprise Development Officer Ibrahim Sangcopan ng DSWD XII sa Launching Program ng Bottom-Up Budgeting (BUB) Sustainable Livelihood Program (SLP) sa Syudad ng Tacurong kahapon, May 7.

BUB SLP 2 Mayor Lina O. Montilla during the launching program of BUB SLP in Tacurong City May 7 2015

Ang inilunsad na BUB-SLP ay para sa 615 indibidwal, 300 sa mga ito ay kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Sa ilalim ng programang ito, bibigyan ng capital assistance and 300 4Ps beneficiaries na may maliliit na negosyo pati na ang 150 miyembro ng livelihood associations sa syudad. Ang capital assistance ay ibabahagi sa pamamagita ng SEA-K mechanism.

Dagdag pa rito, ang BUB-SLP ay magbibigay din ng mga pagsasanay sa 165 na out-of-school youth at unemployed adults mula sa iba’t ibang barangay sa syudad. Ang mga skills training na pasisinayaan ay Consumer Electronics NC II; Massage Therapy NC II; Hair Science & Beauty Culture; Home Care Products Making; T-Shirt Printing; Upgrading on Water Lily Bags & Novelty Items; Utilization of Indigenous Materials; Basic Novelty Production; at Motorcycle/Small Engine Servicing NC II. Ang mga pagsasanay ay magsisimula sa Hunyo 2015.

“Target naming gawing regular ang SLP dito sa Tacurong dahil nakita namin ang buong suporta ng LGU sa programa at ang success ng mga nakaraang programa,” dagdag pa ni Sangcopan.